- Base sa mga nakita ko sa Museo maraming bagay
na ginagamit noong unang panahon ang aking napansin na nagagamit pa rin sa
kasalukuyan dahil sa pangangalaga ng mga tao o organisasyon sa ating
kultura.
- Dapat nating pangalagaan ang mga gamit o mga
bagay para mas maraming estudyante pa ang
makakita dahil ito ang unang makikita at magpapaalala sa atin kung
paano namumuhay ang mga tao noon sa ating bansa.
- Iwasag sirain o hawakan ang mga artifacts para
ma-preserba ang itsura ng mga gamit para mas maraming tao pa ang makakita
sa artifacts na nagpapaaalala ng dating kultura.
- Ang kahalagahan ng mga artifacts para sa mga
estudyante na kagaya ko ay naipapakita natin sa pamamagitan ng pag suporta
sa iba’t ibang paraan kagaya ng pag punta sa mga museo kagaya ng Museo de
La Salle o kung makakapag bigay ng donasyon para lalong mapangalagaan at
maparami ang mga artifacts sa loob ng ating mga museo.
- Ingatan natin na wag magkalat sa mga lugar na
kagaya ng Museo de La Salle at sa iba pang museo sa ating bansa.
- Ang mga museo kagaya ng Museo de La Salle ay
repleksyon ng kayamanan ng ating
kultura at kaugalian bilang Pilipino kaya igalang natin ang mga artifacts
at kung maaaring makapagtaguyod ng mga organisasyon na maaaring mag pondo
sa mga aktibidad ng mga museo.
- Ang mga koleksyon ng Museo de La Salle ay
malaking kontribusyon sa ating kasaysayan kaya upang ipakita ang
pagpapahalaga at respeto sa ating mga kababayang Pilipino marami tayong
natutunan dahil sa mga bagay na kanilang unang nadiskubre at ginagamit
para sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.
- Ang mga museo kagaya ng Museo de La Salle ay
nagpapakikilala ng kaugalian ng
ating mga ninuno at nagpapaalala sa ating lahat ng katalinuhan at
kakayahan ng mga Pilipino na mamuhay .
- Dapat nating pasalamatan ang mga bumuo at
patuloy na nangangalaga sa ating mga museo dahil sila ang naglakas-loob at
nagpapaalala sa atin na dapat pangalagaan ang ating kultura .
Isinulat ni
Richard Tyrese Michio Uy
No comments:
Post a Comment