Ang mga museo ay mga institusyon na naatasang
mangolekta, mangalaga at mag-display
ng mga artipakto (artifact) na galing
pa noong sinaunang panahon. Sa Museo de La Salle ay maari nating makita ang
iba’t-ibang kagamitan ng mga sinaunang Pilipino. Napakahalaga ng pagbisita sa
mga museo dahil dito natin makikita kung gaano kayaman at kakulay ang ating
kultura noon pa man. Nagbibigay kasi ito ng pagkakataon sa atin upang makita ng
malapitan ang mga bagay na nakikita lamang natin sa mga libro, pahayagan, at
telebisyon. Iba kasi ang nagiging epekto sa atin kapag nakita natin nang
harapan ang isang bagay. Ayon sa isang research mas maalala at mas natututo ang
isang tao tungkol sa isang bagay kung sarili niya itong naranasan o nakita.
Nakatutulong ito ng higit sa mga kabataan tulad
natin dahil ating nalalaman ang paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino.
Nakatutulong din ito sa mga estudyante dahil marami tayong matututunang
kaalaman na maaaring higit pa sa ating natututunan sa loob ng pat na sulok ng
silid-aralan. Mas madali at mas maayos din nating matututunan ang mga aralin sa
kasaysayan dahil nagbibigay ito ng malinaw ideya sa atin kung paano nga
nabubuhay ang mga Pilipino dati.
Ang mga museong katulad ng Museo de La Salle ay
nakatutulong din upang maipakita sa mga banyaga ang kultura ng ating
bansa.
Sana’y makabisita tayo sa mga museo hindi lang
upang maaliw kundi upang matuto. Ang mga museo ay dapat din natin pangalagaan
at tangkilikin dahil ito ang sumasalamin sa ating pagka-Pilipino. Maipaalala
din sana natin sa mga susunod na henerasyon na bumisita sa mga museo upang
kanilang malaman ang makulay na kultura ng Pilipinas na pinayabong ng
panahon.
Isinulat ni
Jannah Alexinne B. Rosling
Isinulat ni
Jannah Alexinne B. Rosling
galing po
ReplyDeleteMaganda siya
ReplyDeletenapakabunga ng pagkakalahad ng kahalagahan ng museo sa ating mga Pilipino sapagkat buhay na buhay ang ating kultura..
ReplyDelete