Mga Miyembro

Alena Kay S. Reyes
John Denyl A. Torrijos
Jannah Alexinne B. Rosling
Patricia Jeanne Ramos
Mark Ren Andrei V. Tonelite
Richard Tyrese Uy
Luisito Villanueva, Jr.

Friday, October 30, 2015

Introduksyon



   Ang Museo De La Salle ay itinayo sa pamamagitan ng tulong ng mga nagmamalasakit na komunidad na tumulong kay Brother Andrew Gonzales, ang unang brother-president ng DLSU-D, upang pagplanuhan ang buong museo noong Oktubre 1996. Ang museo ay halos 15 taon na ang tanda. Ito ay dedikado sa pagpapanatili ng kultura ng mga ilustrado sa Pilipinas noong ika-19 siglo. Ito ay nakaayon sa ilan sa mga pinakamagandang halimbawa ng bahay na bato sa Pilipinas, lalo na ang Constantino house sa Balagtas, Bulacan; ang Arnedo-Gonzales bahay sa Sulipan, Apalit, Pampanga; at ang Santos-Joven-Panlilio bahay sa Bacolor, Pampanga. Ang Museo De La Salle ay matatagpuan sa lungsod ng DasmariƱas, isang lungsod kung saan may impluwensiya ng mga Mexican, Espanyol, at Oryental ang kanilang arkitektura.

Ang museo ay mayroong koleksyon ng mga muwebles, litrato ng mga pamilya, artifacts, panrelihiyon na kagamitan, mga kasuotan, at marami pang iba. Ang mga kagamitang ito ay ipinagkaloob lamang sa museo habang ang iba naman ay binili sa mga nagmamay-ari. Mayroon ding mga paalala na huwag hawakan o galawin ilang mga kagamitan sa loob ng museo sapagkat ang mga gamit na ito ay babasagin o di kaya’y hindi na matibay dahil sa pagkaluma. Ang mga pinong kagamitan na ito ay nakalagay sa museo upang ipakita ang kasaganaan, mga personal na estilo, at panlipunang estado ng nagmamay-ari.

Isinulat ni

Alena Kay S. Reyes